Panahon na parang maging sarili mong bossing! MGA PATOK NA NEGOSYO KUNG AYAW MO NANG MAGING EMPLEYAD
- BULGAR

- Aug 28, 2019
- 2 min read

Kung iisipin natin, matagal na panahon pa ang hihintayin natin para marating ang retirement, pero hindi ibig sabihin nito ay hindi natin ito paghahandaan habang bata pa tayo. Pero, for sure, may iba tayong beshy diyan na may planong mag-early retirement.
Gayunman, anu-ano ang mga puwedeng gawin pagkatapos ng retirement? Kung nag-iisip ka na kung ano ang puwedeng gawin, ang maisa-suggest natin ay ang pagtatayo ng sarili mong negosyo. Kaya mga lodi, narito ang ilang business ideas para sa inyong retirement:
1. ONLINE BUSINESS. Ngayong paganda nang paganda ang teknolohiya, why not make use of it? Napadadali nito ang bagay at mas napararami ang business opportunities na mayroon tayo. Halimbawa nito, ang pagre-resell at dahil online business ito, hindi mo na kailangang problemahin ang puwesto o property, gayundin ang iba pang expenses dito.
2. FRANCHISING. Usung-uso na rin ngayon ang franchising dahil marami ng business ang puwedeng pagpilian para i-franchise. Puwede mong subukan ang food stalls, convenience store at laundry shop. Sa mga nabanggit, laundry shop ang isa sa magandang choice dahil kung iisipin, araw-araw nagpapalit ng damit ang mga tao kaya madalas naglalaba ang mga ito. Gayundin, tipid ito sa pagpapasuweldo sa empleyado dahil uso na rin ang self-service laundry shop.
3. INTERNET CAFÉ. Sa panahon ngayon, kabilang na sa basic necessity ang internet at computer dahil sa pagdepende ng mga tao rito. Mula sa pag-aaral at pagtatrabaho, hindi na nawawala ang computer-internet combo kaya hindi nakapagtataka kung bakit halos bawat kanto ay may internet shop na. Kaya mga momshie, isama na ito sa listahan ng wais business ideas na puwede ninyong pasukin. Make sure lang na ang puwesto na makukuha ninyo ay malapit sa iskul at matao, ha?
4. PAGPAPARENTA NG PROPERTY. Kung ikaw ay retired na o may balak nang mag-retire at naghahanap ng pagkakakitaan na may malaking kita at hindi high maintenance, perfect ito para sa inyo. Ito ay dahil sa panahon ngayon, marami ang naghahanap ng spaces for rent bilang puwesto sa negosyo o apartment. Sa totoo lang, medyo malaking halaga ang kailangan ninyong ilabas pero, ‘ika nga nila, the higher the risk, the higher the reward. Kung sure na sure ka nang ito ang papasukin mong negosyo, mabuting magsimula ka nang mag-asikaso ng requirements. Okie?
5. PAGPASOK SA FOOD INDUSTRY. Tayong mga Pinoy ay likas na mahilig sa pagkain. Kaya para sa retirement mo, why not ito ang gawin mong negosyo? Mula sa pagtatayo ng bakery hanggang sa karinderya, siguradong patok ito kapag nasa magandang puwesto ka. Gayundin, kung ang pagluluto ay hobby mo, ito na talaga ang para sa’yo dahil bukod sa patuloy mong nagagawa ang hilig mo kahit retired ka na, kumikita ka pa.
Bukod sa mga business idea na nabanggit, siguradong marami pa kayong puwedeng gawin pagkatapos ng inyong retirement. Gayunman, kung hindi ka pa retired at may kakilala kang nagpaplano nang mag-retire, make sure na ibabahagi mo ito sa kanila, ha?




Comments