top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pagbabawal ng ‘homework’ sa mga estudyante, pag-isipang mabuti!

Ryan B. Sison
Aug 28, 2019
2 min read

TOTOONG marami sa mga estudyante ang nahihirapan sa tuwing may assignment silang kailangang sagutan, pero kung tutu­usin, mas madali na ito kumpara noon dahil sa modernong teknolohiya na nakatutulong para mapagaan ang kanilang buhay.

Sa kabila nito, naghain ang ilang kongre­sista ng panukala sa Kamara na naglalayong ipagbawal ang ‘homework’ sa mga estudyante sa basic education curriculum.

Sa panukalang House Bill (HB) 388, planong ipagbawal ang homework sa mga elementary at high school student tuwing week­ends, samantalang, sa HB 3611, ipinagbaba­wal ang homework sa mga estudyante mula kindergarten hanggang senior high school sa buong linggo at ang lalabag na guro sa unang panukala ay haharap sa multang P50, 000 at pagkakakulong nang hindi lalampas sa dalawang taon.

Ito ay sa kadahilanang nais nilang maisa­gawa ang lahat ng aralin at aktibidad sa loob mismo ng paaralan at hindi sa bahay na pag­lalaanan umano ng oras sa pamilya.

Sa totoo lang, ang paggawa ng homework ay may naitutulong sa pag-aaral ng mga es­tudyante, lalo na kung sila talaga ang guma­gawa nito dahil isa ito sa mga paraan para ka­hit nasa bahay ay binibigyan nila ng prayo­ridad ang edukasyon, natuto silang magsikap at maging disiplinado.

Kaya imbes na tanggalin ito, mas mainam kung babawasan na lang, lalo na ngayong halos ilaan na ng kabataan ang kanilang oras sa pagsasaya at paglalaro.

‘Ika nga, dapat maging balanse kung sa paaralan ay pinagbibigyan ang iba na mag­libang at matuto ng livelihood program, ga­yundin, sa bahay kung saan puwede pa rin namang magkaroon ng bonding ang pamilya habang nag-aaral ang mga bata.

Kaya palagi nating tatandaan, kung paiira­lin ang disiplina hindi natin kailangang mam­rublema, partikular kung ang pinag-uusapan ay parehong mahalaga.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page