top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Outside shots, pag-asa ng gilas sa world cup

Alvin Olivar / Gerard Arce
Aug 28, 2019
1 min read

KAILANGANG mai­bus­­lo ng koponan ang kani­lang mga outside shots upang magkaroon ng pag-asang manalo sa FIBA Basketball World Cup. Ito ang ipinunto ni Gilas coach Yeng Guiao kahapon sa ginanap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel sa Maynila.

Ayon kay Guiao, kapan­sin-pansin ang magandang laro ng Pilipinas sa kanilang mga laro sa training camp sa Spain at sa dalawang tune-up games laban sa Adelaide 36ers dito sa Maynila kapag kanilang naibubuslo ang mga tira sa labas. “When we’re shooting well, we win games. When we’re shooting well, it becomes a little bit easier to win games. That’s exactly true in the tune-up games that we played. Noong Sunday ang sama ng shooting natin, hindi natin tinalo ang Austra­lia. First time, maganda ang shooting natin, tinalo natin sila,” saad ni Guiao.

Nagkaroon ng apat na laro ang Gilas Pilipinas sa kanilang training camp sa Spain kung saan nanalo sila ng tatlong beses laban sa Ivory Coast at Congo. “It’s the same way in Spain. The only bad game we played was the game against Congo when we shot really bad from the outside. But the three games that we won in Spain, we were really shooting well,” wika ni Guiao.

Sa nakalipas na 10-araw na training camp sa Guada­lajara at Malaga sa Mexico, binanggit din ni Guiao ang naging performance ng Gilas kabilang na ang laro laban sa World no. 2 na Espanya, kahit pa man hindi naglaro sina shooters Marcio Las­siter at Roger Pogoy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page