top of page
Pokwang.jpg

NCAA games, kinansela dahil kay ‘Jenny’

A. Servinio
Aug 28, 2019
1 min read

HINDI natuloy ang mga laro sa 95th National Collegiate Athletic Association kahapon sa FilOil Flying V Centre. Nag-desisyon ang pamunuan ng liga na ipagpaliban ang tatlong laro sa Seniors at dalawang laro sa Juniors basketball dahil sa bagyong Jenny sa Luzon.

Ang mga apektadong laro sa Seniors ay ang Saint Benilde at Letran, San Beda at Mapua at season host Arellano laban sa San Sebastian. Ihahayag agad ng NCAA ang bagong petsa at oras ng mga nasabing laro.

Samantala, kahit masama ang panahon, tuloy ang aksiyon sa chess at nangunguna ang defending Seniors champion Benilde pagkatapos ng 6th round ng torneo. Tinalo ang Letran, 3.5-0.5, upang iakyat ang puntos sa 19.5 at tatlong round pa ang nalalabi.

Nanatili sa 2nd place ang San Beda sa 16.5 puntos nang walisin ng Arellano, 4-0. Nasa ikatlo ang UPHSD-Altas na may 13 puntos habang tabla ang Letran at Lyceum sa 4th place na parehong may 10 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page