top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Cargo movers, kampeon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 28, 2019
  • 2 min read

TINAPOS na ng F2 Logistics Cargo Movers ang laban sa bisa ng tatlong straight sets kontra Cignal HD Spikers sa iskor na 26-19, 25-16 at 25-14 sa Game 2 ng best-of-three finals ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Mall of Asia Arena kagabi.

Tila hindi nauubusan ng enerhiya ang F2 at hindi na nila pinadikit ang iskor sa 25-16 at determinadong tapusin ang serye sa bisa ng 12-attacks, 12 blocks, 1 ace at 3 errors na kalamangan kumpara sa 10 ng HD Spikers.

Nailayo agad ng Cargo ang iskor sa first set sa tikas nina Kalei Mau at Majoy Baron, 25-14 bagamat lumalaban ang Cignal sa bakbakang walang laglagan ng bola.

Samantala makaraan ang inaalat na mga season, unang nangako si Mau na gagawin niya ang lahat para matulungan ang F2 na iangat sa trono ng Superliga All-Filipino Conference.

Isang malaking misyon daw kay Mau, isang Filipino-American spiker mula sa Arizona, USA ang paglalaro sa Cargo sa krusyal na Game 2 kagabi.

Ito ang unang titulo ni Mau para sa premier women’s volleyball league ng bansa. Dumating siya sa Pilipinas noong nakaraang taon at naglaro sa United VC pero nabigo siya sa semifinals.

Kagabi ay nakuha na nila ang gintong tsansa at nagkampeon sa Cargo Movers, pinatuntong niya sa 2-0 ang F2 sa larong isinaere ng ESPN5 at Kapatid TV5. “I want it more than anything,” ani Mau, na beterana bilang open spiker ng Arizona Wildcats sa US National Collegiate Athletic Association.“The mindset is that it’s ours. Every opportunity we get, every set I get, I’m going to put it down because we’re not playing around. The stakes are high and I’m excited to get my first title.” (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page