20 toneladang botchang Chinese meat, ibinaon na sa Payatas
- Mylene Alfonso
- Aug 28, 2019
- 1 min read

DINALA kahapon sa Payatas dumpsite para ibaon matapos i-reject sa Rizal Dumpsite ang 20 toneladang botcha na Chinese meat at iba pang produkto na may street value na P20 milyon na nakumpiska sa siyam na bodega sa pangunguna ni Manila Vice-Mayor Honey Lacuna at ng Veterinary Inspection Board-Social Enforcement Squad, kamakalawa ng umaga sa Juan Luna, Tondo, Manila.
Itinurnover ang mga botchang karne ng Veterinary Inspection Board-Special Enforcement Squad sa Department of Agricilture-National Meat Inspection Service para sa disposisyon.
“Sir, for your info, the meat are on its way to the dumpsite Rizal- doon po natin ibabaon. Disposal protocol will be followed and Region 4A incident command center will be on top of situation on disposal,” ayon sa report ni Dr. Rieldrin Morales, ng Crisis Management Team of Department of Agriculture (DA) kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.
Samantala, pinasalamatan naman ni Moreno si Lacuna at ang VIB at NMIS dahil sa pagtupad sa kanyang kautusan para sa kapakanan ng mga taga-Maynila.
Iniimbestigahan na rin ng Special Mayors Reaction Team (SMaRT) ang mag-amang Chinese na sina Johann Sim at Won Hong Cheng, may-ari ng bahay na sinalakay sa Gagalangin, Tondo kung saan natagpuan ang mga Chinese meat, gayundin ang dalawang driver at isang Chinese na pumasok sa bahay sa kasagsagan ng raid.





Comments