top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 tulak, utas sa pulis

Levi Gonzales
Aug 28, 2019
1 min read

TODAS sa mga operatiba ang dalawa umanong hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos makipagbarilan sa Batangas City.

Alas-11:45 ng gabi, nakipagkasundo pa ang nagpanggap na poseur-buyer sa mga suspek na sina Melanio Matanguihan alyas Suma at Abdul Wahid alyas Minso.

Sa loob pa mismo ng sasakyan ng mga suspek nagkaabutan kapalit ang P1.4 milyong marked money.

Natuklasan ng isa sa mga suspek na ang ibinayad sa kanila ay pekeng pera.

Agad umanong bumunot ng baril saka itinutok sa kanya kung saan nagawa pa nitong naiwasan hanggang sa makatalon pa ito sa sasakyan.

Mabilis ding rumesponde ang ilang tauhan ng pulisya kaya nagkaroon ng habulan.

Bumangga sa puno ang sasakyang ng suspek at doon na nagkaroon ng palitan ng putok.

Duguang bumulagta ang dalawa habang narekober ang isang kilo ng sinasabing shabu, marked money, 2 cal. .45 baril na ginamit at sasakyan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page