top of page

Takot na takot sa ahas sa batya, kulang sa sustansiya ang katawan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Kim ng Kim_Castillo@facebook. com

Dear Professor,

Nanaginip ako na may dalang batya ang mga magulang ko. Ahas na malalaki at maha­haba ang laman at tina­nong ko kung bakit may dala silang ganu’n, eh, takot ako sa mga ahas?

Tapos, kinawit ng mama ko ‘yung isa at ini­lagay sa lababo na may tubig, lumapit papunta sa akin, pero hindi na­man ako tinuklaw.

Gayundin, lumapit ulit sa akin ang ahas at halos dumikit na sa ka­tawan ko kaya nagsisi­gaw ako, pero parang kal­mado pa rin ako.

Nagising na ako pag­katapos.

Ano kaya ang ibig sa­bihin ng panaginip ko? Natakot kasi ako pag­gising ko.

Maraming salamat!

Naghihintay,

Kim

Sa iyo, Kim,

Likas na takot sa ahas ang tao, lalo na ang mga babae kaya kahit sa pana­ginip, makikitang takot ka sa ahas.

Gayundin, likas sa tao, lalo na sa mga tulad mong dalaga ang takot sa hindi ahas, pero mukhang ahas.

Ang napanaginipan mo ay mas malamang na water eels o igat na napa­karami sa mga tubigan at ito ay isa sa mga pagkain na pinagkukunan ng pro­tina na kailangan ng tao para sumigla, lumakas at sumaya.

Pero, bakit napanagi­nipan mo ang nasabing kahawig ng mga ahas?

Ito ay dahil ikaw ay ki­nukulang sa protina kung saan isa ito sa mga maha­lagang sangkap para gu­manda, kuminis at mana­riwa ang lakas ng indibid­wal.

Makikitang tulad ng mga kabataan ngayon at ilang nakatatanda, ang kinakain ay mga pagkaing nakasisira ng katawan, partikular sa kalusugan.

Ayon sa datos tungkol sa pag-aaral sa makaba­gong lifestyle, ang mga tao ay kulang sa masu­sus­tansiyang pagkain.

Dahil dito, suriin mo ang iyong sarili at kung sa tingin mo ay kulang ka sa ma­susus­tansiyang pag­ka­in, kumonsumo ka ng masusustansiyang pag­kain at iwasan ang hindi nakabubuti sa kalusugan.

Samantala, bakit takot ang mga babae sa ahas? Una, ang ahas ay phallic symbol na sumisimbolo sa maselang bahagi ng lalaki, kumbaga, ang ahas ay maselan na pag-usa­pan.

Kaya, malamang ay water eels ang iyong na­panaginipan at dahil hindi takot ang parents mo rito at inilagay pa sa lababo, ibig sabihin ay lulutuin ang mga ‘yun.

Muli, umiwas ka sa mga pagkaing hindi naka­tutulong sa kalusugan. Ga­win mo ito para maka­iwas ka sa sakit.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page