top of page
Pokwang.jpg

ROTC, malaki ang ambag sa bayan pero huwag gawing sapilitan

Ryan B. Sison
Aug 27, 2019
2 min read

Mangangailangan ng P16 bilyon ang gobyerno para mapondohan ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa mga senior high school student.

Tinatayang apat na milyong Grades 11 at 12 mula sa pampubliko at pribadong paara­lan ang inaasahang mapapabilang dito at kailangan umanong mabigyan ng maayos na uniporme at kagamitan ang mga ito kung saan nagkakahalagang P4, 000 ang budget para sa bawat estudyante.

Kabilang sa mga layunin ng muling pagbuhay sa mandatory ROTC ay upang may mapagkunan ng puwersa dahil kulang ang 70,000 reserves at 120,000 sundalo para depensahan ang bansa gayundin, para maiba­lik ang disiplinang unti-unti na umanong na­wawala sa kabataan.

Pero, ang tanong ng bayan, gaano kahanda ang pamunuan ng ROTC na ibalik ito?

Gaano sila kasiguradong hindi na mau­ulit ang diumano’y aregluhan para makapasa nang walang hirap?

Kung kailangan ng bansa ng karagdagang puwersa, kailangan ba talagang mandatory?

Hindi ba, mas masarap isipin na ang mga kabilang sa ROTC ay hindi napilitan at gusto talagang magsilbi sa bayan?

Sa totoo lang, hindi biro ang P4,000 bud­get para sa kagamitan at uniporme ng bawat estudyante kaya kung sasabak sila sa trai­ning, dapat lamang na gusto talaga nilang pumasok dito dahil kung mapipilitan ang mag-aaral, walang kuwenta ang pera ng bayan.

Gayundin, hindi lamang pagpaparami ng reserves ang dapat tutukan ng pamahalaan dahil sa totoo lang, kailangan ding i-upgrade ang mga armas at palakasin ang puwersa ng AFP para sa proteksiyon ng bansa.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page