top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pagpapalaya sa mga 'nagpakabait' na preso, suspended muna

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2019
  • 1 min read

INIISIP ng Department of Justice (DOJ) na suspendihin pansamantala ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) dahil sa galit at batikos na inabot dahil sa posibleng pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Batay sa GCTA, mababawasan ang sentensiya ng mga naging ulirang bilanggo. Gayunman, malinaw na si Sanchez ay hindi ulirang bilanggo kaya hindi siya dapat isama sa mga kuwalipikado sa nasabing batas.

Dapat pag-aralan din ng ating batas ang tungkol sa sentensiya. Si Sanchez ay napan ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng 30 hanggang 40 taon dahil sa kanyang ginawang karumal-dumal na krimen.

◘◘◘

Ayon kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, ‘fake news of the century’ umano ang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Inaangkin ng China ang mga isla sa karaga­tang sakop ng teritoryo ng bansa dahil sila raw ang unang nakaalam sa mga ito, pero paliwanag ng hukom, sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), lahat ng historic rights ay hindi ikinokon­sidera.

Dagdag pa niya, kailangan ng mga Pilipino, partikular ng kabataan na pag-aralan ang karapatan sa nasabing teritoryo dahil may ilang eksperto na unang pinaniwalaan na China ang may-ari sa WPS.

Kaugnay nito, siguradong hinihintay ng lahat ang muling pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China upang itaas ang desisyon ng UN Permanent Court of Arbitration kay Chinese President Xi Jinping. Siguradong hindi magugustuhan ng China ‘yan, ano kaya ang magiging resulta nito kapag nagkataon?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page