Libreng patent sa residential land, depende sa lugar

Dear Chief Acosta,
Maaari ba akong magsumite ng aplikasyon para sa free patent ng tatlondaang (300) metro kuwadrado naming lupain sa siyudad ng Makati? — Maya
Dear Maya,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 1 ng Republic Act No. 10023 o mas kilala bilang “An Act Authorizing the Issuance of Free Patents to Residential Land” na:
“Section 1. Qualifications. - Any Filipino citizen who is an actual occupant of a residential land may apply for a Free Patent Title under this Act: Provided; That in highly urbanized cities, the land should not exceed two hundred (200) square meters; in other cities, it should not exceed five hundred (500) square meters; in first class and second class municipalities, it should not exceed seven hundred fifty (750) square meters; and in all other municipalities, it should not exceed one thousand (1,000) square meters; Provided, further, That the land applied for is not needed for public service and/or public use.” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, hindi dapat hihigit sa 200 metro kuwadrado ang lupang sasakupin ng aplikasyon para sa free patent sa mga siyudad na ikinokonsidera bilang “highly urbanized.” Sa inyong sitwasyon, sa kadahilanang ang inyong lupain ay nasa siyudad ng Makati na highly urbanized city, hindi ninyo ito maaaring mai-apply sa pagkakaroon ng free patent dahil lagpas ito sa limitasyon na nakasaad sa batas.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments