top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Co-host ni Willie, level-up! Hipon Girl, milyones ang followers sa socmed, biglang sikat, may kanta

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 27, 2019
1 min read

MAGTAGUMPAY kayang muli ang Wowowin host na si Willie Revillame na pasikatin si Hipon Girl (Herlene Budol) na isa sa mga co-hosts niya ngayon sa kanyang game show?

Contestant lang noon sa Wil of Fortune segment ng Wowowin si Hipon Girl, pero dahil natural ang kanyang pagiging jologs at komedyante, bumilib sa kanya si Revillame at kinuha na siya upang maging bahagi ng show.

Malakas ang karisma sa tao ni Hipon Girl, maraming viewers ang natutuwa sa kanya at milyones din ang kanyang naging followers sa social media. Kaya, maging ang composer na si Lito Camo ay bumilib at iginawa ng kanta si Herlene at kama­kailan lang ay ini-launch na ang unang single ni Hipon Girl, ang Talikodgenic.

Sexy at maganda ang height ni Hipon Girl. Posib­leng sumikat din siya tulad nina Donita Nose at Super Tekla na galing din sa Wo­wowin. Kumpara kina Do­nita Nose at Tekla na ha­sang-hasa na sa pagiging stand-up comedian kaya madali silang nabigyan ng exposure sa ibang shows ng GMA-7, si Hipon Girl ay marami pang pagda­raanang proseso upang ganap na mapabilang sa mundo ng showbiz.

Kailangan na may gagabay sa kanya at tutulong upang matutunan niya ang makisama sa lahat ng klase ng taong maka­kasalamuha niya. Kailangan ding mahasa pa nang husto ang kanyang acting talent at need din niya ng total makeover upang magkaroon ng “celebrity aura” na dapat niyang taglayin bilang celebrity. Mapag-aaralan naman ang lahat basta pursigido siya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page