Chief Acosta sa mga naninira at sinungaling | MATAKOT KAYO SA KARMA
- Madel Moratillo
- Aug 27, 2019
- 1 min read

PUMALAG si Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta sa panibagong paninira sa kanya kung saan ngayon ay iniuugnay naman siya kay Ombudsman Samuel Martires.
Ang pahayag ni Acosta ay kasunod ng pagkalat ng larawan nila ni Martires sa social media, partikular sa Facebook.
May caption pa ang nasabing larawan na kuha noong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na “bakit confident si Acosta sa malalimang imbestigasyon na gagawin ni Ombudsman Martires”?
Binigyang-diin ni Acosta na marami sila sa nasabing picture at hindi lang sila ni Martires taliwas sa nais palabasin ng nag-post ng larawan.
Buwelta ng hepe ng PAO, puro kasinungalingan at paninira ang ginagawa sa kanya.
Maging ang pagdiriwang umano niya ng kanyang kaarawan ay kinukulayan na rin ng kanyang mga kritiko.
Ani Acosta, walang pondo ng PAO ang nagagamit sa kanyang paghahanda tuwing kanyang kaarawan.
Lahat aniya ng ito ay mula sa kanyang sariling bulsa.
“Matakot sa karma ng langit ang mga sinungaling!” giit ni Acosta.





Comments