top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P200 milyong libel case vs. Mon Tulfo, isinampa ni Aguirre

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 26, 2019
2 min read

HINDI talaga tinatantanan ng problema si Ramon Tulfo.

Panibagong serye ng mga kasong libelo ang kanyang haharapin!

◘◘◘

NASA pribadong sektor at nananahimik na sana si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Pero, lumantad ito matapos magsampa ng four counts ng libel at nine counts ng cyberlibel laban kay Tulfo.

Ano ba ‘yan?

◘◘◘

KASAMA ni Tulfo na kinasuhan sa Manila Prose­cutors Office ang mga opisyal ng broadsheet kung saan inilathala ang sinasabing “mapanirang” kolum.

Humihingi si Aguirre ng P150 million sa moral damages at P50 million sa exemplary fees at attorney’s fees!

◘◘◘

HINDI ito ang unang pagkakataon na nagsampa ng kaso si Aguirre laban kay Tulfo.

May nauna nang kasong libelo si Aguirre kontra sa broadcaster na naka-file sa Manila Regional Trial Court Branch 46!

◘◘◘

ANG bagong kaso ay may kaugnayan sa lumabas sa print at online version ng manilatimes.net na “Li­ving the life of the rich and famous” noong April 11.

Binansagan si Aguirre bilang protektor ng human trafficking syndicate sa Ninoy Aquino International Airport!

◘◘◘

INAKUSAHAN si Aguirre na nag-issue ng circular na inalisan ng power si Immigration Commissioner Jaime Morente para mag-assign at reassign ang mga bureau personnel.

Ang ikalawang kolum ay may titulong “The ball is now in Secretary Guevarra’s hands” na inilabas noong April 13!

◘◘◘

IKATLO ay may titulong “Bato, a clown in the staid Senate” na lumabas noong July 11 kung saan sinabi na si Aguirre umano ay protektor ng sindikato.

Ang ikaapat ay “Why Digong scrapped all PCSO franchises” na inilabas noong July 30 kung saan sinabi na ang small town lotteries ay lumobo sa kasalukuyang administrasyon upang ma-accommodate ang ilang tao kasama na si Aguirre!

◘◘◘

MAY malisya rin umano ang mga FB posts ni Tulfo kung saan inulit niya ang mga isinulat niyang nakasisira sa pagkatao ng dating kalihim.

Ang mga kolum ay nai-post noong April 9, April 13 at June 8.

Ayon kay Aguirre, masyado nang foul ang mga ginagawa ni Tulfo, hindi man lamang kinuha ang kanyang panig kung ito man ay totoo o hindi!

◘◘◘

PAANO kaya makalulusot sa serye ng mga kasong libelong ito si Tulfo?

May iba pang miyembro ng gabinete na hindi niya nakakasundo.

Ngayon lamang tayo nakakita ng ganitong “grupo” ng mga gabinete na nag-away-away.

Bakit kaya ayaw pumagitna si P-Digong para matapos na ang gusot sa kanyang “pamilya”?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page