Nanalo sa lotto sa panaginip, magkakatotoo kung susundin ang style na ito
- BULGAR

- Aug 26, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni MJ ng MJ-MJ@facebook.com
Dear Professor, Nanaginip ako na nanalo raw ako ng jackpot sa lotto. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Maraming salamat! Tumataya kasi kami ng asawa ko sa lotto. Umaasa, MJ
Sa iyo, MJ, Ang panaginip mo ay nagsasabing, sobrang linaw na gustung-gusto mong manalo sa lotto, dahil sa mga panaginip, ang mga hiling ng tao ay nangyayari. Mangyayari rin kaya sa reyalidad ang mga hiling na nagkatotoo sa panaginip? Oo naman, bakit hindi? Paano?
Mamahinga muna kayo sa pagtaya sa lotto at ipanatag muna ang iyong sarili, gayundin, alisin ninyo ang gigil at kumuha muna kayo ng buwelo.
Kumbaga, relax lang and have some rest.
Minsan, ‘yung kumpare ko na sobrang hilig sa casino, nanalo pero sa huli, malaki rin ang natalo.
Ang sabi, kaya ka nananalo ay dahil may suwerte ka at naubos naman ang suwerte mo kaya ka natatalo.
Sa tao, siya ay malakas kaya lang nauubos din ang kanyang lakas, pero kapag siya ay nakapagpahinga, nanunumbalik ang kanyang lakas. Ganundin ang suwerte, nawawala pero kapag nagpahinga ay muli na namang aarangkada.
Kaya stop muna nang makabuwelo ang suwerte mo. Sa ganitong paraan, puwede kayong maka-jackpot sa lotto dahil ang tao ay hindi naman nilikha na malas.
Ang totoo nga, sa lahat ng nilikha, siya ang pinakasuwerte. Kumbaga, lahat ay masuwerte at walang malas na tao.
Nananariwa ang lakas at ang suwerte ay nananariwa rin kaya muli, have some rest at pagkatapos ay tumaya kayo nang tumaya.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments