top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga korup, kesa makulong, nagpapaospital na lang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 26, 2019
  • 1 min read

PARA IWAS-KU­LONG, MGA KO­RUP, NAGPAPA­OSPITAL—Kama­kailan, matapos dak­pin ng mga pulis si dating DFA Sec. Perfecto Yasay kaugnay sa kinasangkutan nitong maanomal­yang bank loan sa Banco Filipino Savings and Mortgage Bank, isinugod siya sa ospital dahil tumaas daw ang blood pressure nito.

Ganyan talaga ang mga kasaluku­yan at dating opisyal ng pamahalaan na nasasangkot sa ano­malya na kapag inaresto, nagpapa­ospital para iwas-kulong, boom!

◘◘◘

DALDAL NI CAR­DEMA, SABLAY—Para makaresbak kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon na nang-reject sa kanya bilang representative ng Duterte Youth Party­list sa Kongreso dahil overaged na siya, idinaldal ni ex-National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Carde­ma na nagbigay daw sila ng P2 milyon suhol sa “emisaryo” ng Comelec commissioner para apru­bahan ang accreditation ng kanilang partylist.

Kung ganu’n, lalong hindi dapat maging youth representative sa Kon­greso si Cardema dahil ang tulad niyang nanunuhol kapalit ng hinihingi niyang pabor ay hindi magandang halimbawa sa ka­bataan, period!

◘◘◘

PARA LUMU­WAG ANG DALOY NG MGA SASAK­YAN SA EDSA, GAWING 2 BESES ANG CODING NG MGA DE-KOTSE—Hindi ang mga mahi­hirap na kom­yuter ng bus ang dapat pagdiskitahan ng MMDA sa ipi­naiiral nilang traffic policy sa EDSA kundi ang mga de-kotse.

Kung gusto talaga ng MMDA na lumu­wag ang daloy ng mga sasakyan sa EDSA, gawin nilang dalawang beses sa isa linggo ang coding sa mga de-kotse, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page