Medium of Instruction ng pagtuturo sa kindergarten

Dear Chief Acosta, May bagong dating na guro mula sa Maynila sa aming lugar sa Cebu. Nais kong malaman kung tama ba na Tagalog ang ginagamit niyang salita sa pagtuturo kahit Cebuano ang salitang ginagamit ng mga batang nasa kindergarten sa amin?
Dear Maggie, Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 5 ng Republic Act No. 10157 o mas kilala bilang “Kindergarten Education Act” na:
“Section 5. Medium of Instruction. – The State shall hereby adopt the mother tongue-based multilingual education (MTB-MLE) method. The mother tongue of the learner shall be the primary medium of instruction for teaching and learning in the kindergarten level. However, exceptions shall be made to the following cases:
xxx
(b) When the teacher does not speak the mother tongue of the learners;” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, kung hindi marunong ang bagong guro ng inyong anak na magsalita ng Cebuano, maaari niyang gamitin ang Tagalog bilang kanyang salita sa pagtuturo.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments