FINAL 12 NG GILAS, BINITIN PA


GINAPI ng Adelaide 36ers ng Australia sa ikalawang tune-up game ang Gilas Pilipinas, 85-75 kagabi sa Meralco Gym, Pasig City. Unang salang sana ito ni Kiefer Ravena, pero inalat ang 21 puntos na unang arangkada ng team at nakabawi ang 36ers nang matalo sa unang tune-up game, 92-83 na ipinanalo ng Gilas noong Biyernes.
Unang pinangalanan ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao ang anim para sa Final 12 para sa sisimulang FIBA World Cup sa susunod na Linggo sa China habang isinusulat ito kagabi.
Sa panayam ng Radyo 5 kahapon, inihayag ni Guiao ang frontliners na sina Andray Blatche, Japeth Aguilar at June Mar Fajardo, forward Troy Rosario, gunner RR Pogoy, at veteran Gabe Norwood na sasabak sa Aug. 31-Sept. 15. “Of course Blatche is there along with Japeth, who’s been playing well and is a key member of our frontline, and June Mar, we need his size but he also needs to make adjustments in terms of quickness,” ani Guiao.
Samantala, impresibong laro ang ipinakita ng Gilas Pilipinas Girls team sa katatapos na 2019 FIBA 3x3 Under-18 Asia Cup nang lupigin ang China, 14-11 para sa bronze medal match noong Sabado ng gabi sa Cyberjaya, Malaysia. Ito rin ang pinakamahusay na laro ng girls sa continental tournament. Sa patas na laro na 11-all sa natitirang 55 segundo, si Kristine Cayabyab ang naka-swak nang bola sa nagmintis na tirada ni Ella Fajardo.
Mula sa malakas na depensa ay naagaw ni Caille Clarin ang bola kontra Xianglin Wu ng China na isang otomatikong turnover sa 3x3 rules.
Naka-foul si Angelica Surada kay Yingjie Chen na ikapito nang foul ng China. Nakapagsalpak si Surada ng 2 free throws para sa 3 puntos na abanse sa nalalabing 25.6 segundo.
Ang panalo ang una para sa Pilipinas laban sa China sa torneo dahil tinalo rin ang bansa ng Tsina sa 14-16 sa pool stage noong Agosto 22. “Expectations were higher because of how we did at the World Cup,” ayon kay head coach Pat Aquino. “So we came in to this tournament focused on getting into the quarterfinals and the semi finals.” (VA/MC)





Comments