Car painter niratrat ng kustomer, utas

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi nakikilalang lalaki ang car painter sa loob mismo ng kanyang pinagtatrabahuhan sa Bgy. Malabanban Sur, Candelaria, Quezon.
Alas-12:30 ng hapon, abala sa pagpipintura ng kotse ang biktimang si Arturo Magnaye, 51, ng Sitio Tondo, Bgy. Sta. Catalina, nang magpanggap pang kustomer ang suspek.
Paglingon nito sa kanya nang agad bumunot ng cal. .45 saka binaril ng apat na beses sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya para sa ikadarakip ng suspek at inaalam din ang motibo sa krimen.





Comments