top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

RUNNERS LAMPARAS AT MARTES, KAMPEON SA MILO PANGASINAN

A. Servinio
Aug 25, 2019
1 min read

LINGAYEN, Pangasinan – Itinanghal na kampeon sina Kurt Jomar Lamparas at Christabel Martes sa 2019 MILO Marathon Lingayen qualifying race noong Linggo sa Lingayen Baywalk. Ang dalawa ay siya ring nagwagi noong 2018 sa karera na ginanap sa Urdaneta City.

Tinapos ni Lamparas, kasapi ng Arellano University Chiefs Athletics varsity sa NCAA, ang 21-km ruta sa oras na 1:16:00. Tinalo niya ang mga beteranong mananakbo na sina Cesar Castaneto (1:18:12) at Reynante Torio (1:19:53) habang nag-4th ang 2012 London Olympian na si Rene Herrera (1:20:20).

Iniwan ni Martes (1:31:35) sina Elaine Quismondo (1:36:59) at Lany Adaoag (1:41:41) sa patag na daang binabaybay ang makasaysayang Lingayen Gulf. Susubukan nina Lamparas at Martes na lumikha ng sariling kasaysayan sa pagpasok sa National Finals sa Enero 19, 2020 sa Tarlac City.

Ang karera ay inilipat sa Lingayen matapos magpasya ang mga namumuno sa MILO Marathon na huwag muna ituloy ang karera sa Urdaneta noong Hulyo 14. Ito ay magsisilbi sanang pambungad ng taon bago ang karera sa SM Mall of Asia noong Hulyo 28.

Ang iba pang mga nagwagi ay sina Bernard Caluza (34:53) at Merry Joy Trupa (43:17) sa 10- km habang sina Jose Barroga (17:20) at Lowelyn Pamatian (19:31) ay sa 5-km. Tagumpay din sina John Rome Ablan (11:28) at Jasmine Bartolome (13:02) sa karerang 3-km para sa mga edad 12 pababa.

Samantala, ang naudlot na karera sa Subic Bay noong Agosto 4 ay itutuloy sa Set. 8 sa parehong lugar. Susundan ng iba pang patakbo sa Lucena (Set.15), Batangas (Set. 22), Cebu (Set. 29), Iloilo (Okt. 6), General Santos (Okt. 13), Davao (Okt. 20) at Cagayan de Oro (Nob. 17).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page