RONDINA, NAG-AKYAT NG BRONZE SA BLAZE SPIKERS
- BULGAR

- Aug 25, 2019
- 2 min read

MALAKING laro ang ipinamalas ni Sisi Rondina upang tapusin ng Petron Blaze Spikers ang Foton Tornadoes sa bisa ng 28-26, 25-27, 25-21, 24-26, 15-12 na panalo at sungkitin ang bronze-medal match sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Umiskor si Rondina, ang reigning UAAP Most Valuable Player, ng anim na sunod na puntos para sa Blazers na nagpatuldok sa laban ng prestihiyosong women’s club league.
Bagamat hindi ito ang siya nilang inaasahan, masaya na si Blaze Spikers coach Shaq Delos Santos sa kinalabasan ng performance ng bataan niya para sa bronze medal sa nakaraang tatlong taon na pakikibaka ng tropa. “This bronze medal is still gold for us,” saad ni Delos Santos. “We’re very happy, we’re thankful for this, it wasn’t the ending that we would have wanted but third place is till good.” Naiiwan pa sa 5-9 sa fifth set ay dumikit pa ang Blaze Spikers sa 2 puntos 9-11, nang itarak ni Rondina ang match point, 14-11.
Nailigtas pa sana ni Dindin Santiago-Manabat ang match point sa 12-14 bago tuluyang naiselyo ni Rondina ang panalo para sa Petron.
Tumapos si Rondina ng game-high 33 points makaraan ang 30 atake sa laban na umabot ng 3 oras bago natapos. “I was cramping already but I just told myself that I can still do it,” ani Rondina. “I looked at them, my coaches and my teammates, and it gave me enough motivation to give my best and finish the match”.
Nakapag-ambag si Team captain Ces Molina ng 15 points para sa Petron, habang sina Mika Reyes at Remy Palma ay may dagdag na 11. Sa kabilang banda namuno si Dindin Santiago-Manabat sa Tornadoes, na may 26 puntos, si Jaja Santiago ay may 22, Mina Aganon -11, Eya Laure - 11 at si Shaya Adorador ay may 10 markers.(MC/VA)





Comments