top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Nag-reunion | BEBOT NI-RAPE NG BATCHMATE

  • Paul Lamsen
  • Aug 25, 2019
  • 1 min read

MATAPOS ang reunion, sa piitan naman ang bagsak ng isang binata matapos dakpin sa reklamong panghahalay sa kanyang batchmate na dalaga, kamakalawa ng gabi sa Laoac, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Gerry Domingo, 27, binata, naninirahan sa nasabi ring lugar. Ayon sa pulisya, nagkaroon ng reunion ang high school batch ng suspek at biktima kung saan nagkainuman ang mga ito.

Hanggang sa pagsamantalahan umano ng suspek si alyas Loida, 25, nang malasing.

Sa halip na iuwi sa bahay ay dinala umano niya ito sa madilim na lugar at doon hinalay. Agad namang nadakip ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page