Macario Sakay, bayaning dapat makilala rin ng kabataan

GINUGUNITA natin ang Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa. Kaya, nagpapasalamat tayo sa BULGAR at katulad nitong tabloid na patuloy na pinalalaganap ang ating sariling wika.
Hanga tayo sa mga tabloid dahil isa sila sa mga instrumento para higit pang pagtibayin ang ating sariling wika kahit sabihin pang malakas ang impluwensiya ng social media sa bawat isa.
Kaya naman, kaugnay nito, hinihiritan din natin ang mga kaibigan natin sa telebisyon at cable na mayroong English news program na baka maaaring maglaan sila ng kaunting espasyo sa pahayagan at kaunting oras para magbigay-daan sa mga balita o lathalain na naisusulat sa ating sariling wika. Aba, may isang linggo pa naman para mapagbigyan ang pagpapahalaga sa ating sariling wika.
At ngayong Lunes naman, muli nating gugunitain ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga bayani sa bansa. Tulad ng dati, una sa ating listahan sina Jose P. Rizal, Andres Bonifacio at ang mga Ilokanong bayani na sina Antonio Luna at Diego Silang. Pero, paano naman ‘yung mga hindi masyadong kilala tulad ni Macario Sakay na minsan ay nakilala bilang ‘bandido’?
Hiling din nating kilalanin ang kabayanihan ng tulad ni Macario Sakay sa halip na maipatampok ang mali at negatibong ulat sa kanyang tunay na buhay.
Mahalagang maipalaganap sa paaralan ang tunay na kabayanihan ni Sakay at maipakita sa kabataan na malaking bahagi ang kanyang ginampanan noong American occupation.





Comments