top of page
Pokwang.jpg

LGBT TOUR, NILULUTO NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 25, 2019
2 min read

MAGDIRIWANG na ngayon ang mga miyembro ng LGBT o ang mga lesbiyan, gay, biseksuwal at transgenders dahil may niluluto nang liga para sa kanila ang ihahandog ng Community Volleyball Association (CVA).

Maaaring sa liga makatatagpo ng mga bagong iidolohing LGBT athletes na kapareho ng mga kalibre ng laro ng mga bigating straight volleyball players ng bansa tulad nina Allysa Valdez, Mika Reyes at Jaja Santiago. Ayon kay Jeng Gacula, ang marketing director ng CVA sa 36th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros noong Huwebes inaasahan nila na sa sandaling magtuluy-tuloy ang pagkikig ng torneo ay isusunod nila ang pagtataguyod ng liga para sa LGBT community na tutugon sa mga atletang ‘alanganin’ pero maaaring makapagbigay ng karangalan sa bansa sa larangan ng sports.

Kasabay ng pagtatatag ng CVA, naniniwala si founding president Carlo Maceda at tournament director Alvin Tañada, na mga abala sa nalalapit na pagbubukas ng pinakabagong community-based volleyball league sa susunod na buwan. “We believe there are a lot of young and talented players from different parts of the country waiting to be discovered. Through the CVA, we are providing them the platform,” pahayag ni Maceda at Tañada sa TOPS. Bagamat mayroon ng dalawang major volleyball tournaments sa bansa, naniniwala si Maceda na may puwang pa para sa CVA, “The more, the merrier. Marami tayong magagaling na volleyball players,” paliwanag ni Maceda, na umaasang mauulit sa CVA ang tagumpay sa CBA.

Hindi rin nababahala si Tañada na magkakaroon ng conflict sa dalawang malaking volleyball leagues, Premier Volleyball League at Philippine Super Liga. “Hindi namin planong karibalin ang PVL at PSL. Gusto lang natin ipakita sa players na hindi lang sa dalawang liga na ito puwede silang maglaro. We will develop our own talent base with the help of local government units,” sabi ni Tañada sa weekly forum.

“Sa CVA, pumili ako ng 2 Commissioners at malakas na management team para makasama natin.” Sinabi naman ni Watamslama Macalanggan, na magsisilbing 18-under commissioner, na marami na silang teams na nakausap para lumahok. “We already talked to 12 school-based teams, although I am not at liberty to divulge the list now,” saad ni Macalanggan Sa Open division, naimbitahan na nila ang Philippine Navy at Air Force, NLEX, Pasay, Makati, Taguig, Caloocan, Bacoor, Imus at General Trias pati na ang tatlong siyudad mula Laguna. Kasama rin nilang dumalo sa weekly forum sina CVA officials Sylvia Von Giese (Logistics and Liason Head), Janine De Ocera (Social Media Head) at Grace Gomez (Medical Head).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page