Hindi raw pork barrel, ano ‘to, Cayetano? | P.5 bilyon, budget ng bawat cong. sa mga project nila

KUNG DATI, TIG-P100 MILYON LANG, NGAYON, TIG-400 MILYON HANGGANG P500 MILYON NA ANG PANG-“PROJECT” NG MGA KONG —Matapos sabihin ni Speaker Alan Peter Cayetano na wala na raw pork barrel ang mga kongresista, sa bibig din niya mismo nanggaling na magkakaroon daw ng tig-P400 milyon hanggang P500 milyon pang-”project” ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa kanilang mga distrito.
‘Yan ba ang walang pork barrel?
Ang suwerte naman ng mga kongresista sa liderato ni Speaker Cayetano kasi dati ay tig-P100 milyon lang ang pang-“project” nila, pero ngayon, tig-P400 milyon hanggang P500 milyon na, boom!
◘◘◘
MAGAGALIT TALAGA SI P-DUTERTE SA ISYUNG PAGPAPALAYA KAY EX-MAYOR SANCHEZ — Hindi natuwa si P-Duterte sa balitang mapalalaya si ex-Mayor Antonio Sanchez ng Calauan, Laguna at dahil dito, ang utos ng pangulo, huwag palayain at hayaang mabulok sa Bilibid ang ex-mayor.
Aba, magagalit talaga ang pangulo kasi karumal-dumal na krimen ang kinasangkutan ni Sanchez na may kaugnayan sa pagkidnap, panggagahasa at pagpatay sa dalawang UPLB students na sina Mary Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993, period!
◘◘◘
SABLAY SI “BATO” SA SECOND CHANCE KAY EX-MAYOR SANCHEZ — Sablay ang sinabi ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na dapat daw bigyan ng second chance para makalaya na sa Bilibid si ex-Mayor Sanchez dahil nagpakabait naman daw ito sa kulungan.
Mantakin n’yo, karumal-dumal na krimen ang kinasangkutan ni Sanchez, tapos para kay Sen. Dela Rosa, oks lang na mabigyan ito ng pangalawang pagkakataon na makapagbagong-buhay.
Dahil sa sablay na statement ni Sen. Dela Rosa, kaliwa’t kanang batikos ang inabot niya sa publiko, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
RAKET NA DROP BALLS AT COLOR GAMES, BALIK-OPERASYON SA CABANATUAN CITY — Balik-operasyon na naman daw ang raket na drop balls at color games ni “Nardo” sa Cabanatuan City.
Kailan kaya ipatotokhang ni Nueva Ecija PNP Director Col. Leon Victor Rosete si “Nardo”? Abangan!





Comments