GUNRUNNER TEPOK SA SHOOTOUT
- Pabs Hernandez III
- Aug 25, 2019
- 1 min read
PAMPANGA—Patay ang gunrunner nang makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. San Nicolas, San Fernando City.
Ang suspek ay nakilala sa alyas Bay, walang tiyak na tirahan.
Nabatid na nahalata umano ni “Bay” na mga pulis ang pinagbebentahan nito ng baril kaya agad nitong binaril ang mga awtoridad.
Dahil dito, napilitan ang pulisya na gumanti ng putok dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments