CPR ‘pag ini-reapply — Chief Acosta | MASAMANG EPEKTO NG DENGVAXIA, LALABAS NA
- Madel Moratillo
- Aug 25, 2019
- 1 min read

MAS lalo umanong lumakas ang mga kasong isinampa ng Public Attorney’s Office laban sa Sanofi Pasteur at iba pang sangkot sa kontrobersiyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, ito ay matapos pagtibayin ng Department of Health ang permanenteng pagbawi ng Food and Drug Administration sa Certificate of Product Registration ng Dengvaxia.
“Kung i-reapply nila (CPR), patitingkarin nila ating ebidensiya dahil nagre-reapply sila (Sanofi),” paliwanag ni Acosta.
“Gagamitin daw ng private doctor at saka isasailalim na sa blood test na. Ibig sabihin, pino-fortify nila ang ating alegasyon, ating ebidensiya na sinasabi ng mga magulang ay hindi kayo nag-ingat. Bakit hindi n’yo isinailalim sa blood test ang mga anak namin para alamin kung zero positive o zero negative, eh, ngayon pipiliin na lang nila?” pahayag pa ni Acosta.
Aniya, lalong lalabas ang katotohanan hinggil sa masamang epekto ng Dengvaxia.
Obligado aniya ang Sanofi na magsumite ng report sa mga namatay o naospital dahil sa Dengvaxia.
“Alam mo, para maka-comply sila, magsa-submit sila ng pangalan ng mga namatay sa bakuna, mag-submit sila sino naospital. Eh, di ang pagtatago ni Secretary Duque ng masterlist, eh, mabubuko na. Lalabas na,” dagadag pa ng PAO chief.
Kumpiyansa rin si Acosta na hindi na papayag ang kasalukuyang gobyerno na makabalik ang Dengvaxia dahil sa please na kabiguan ng Sanofi na makatugon sa hinihinging safety reports ng kanilang bakuna.
Matatandaang, aabot umano sa mahigit 140 katao ang naiulat na nasawi dahil sa Dengvaxia na halos mga bata habang libu-libo ang naospital dahil dito.





Comments