top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

WELLS, NEW WINGMAN NG SMB, ISASAMA NI AUSTRIA SA EASL

Gerard Arce
Aug 24, 2019
2 min read

WALA umanong nakikitang magiging problema sa line-up lalo na sa rotation si San Miguel Beermen Head Coach Leo Austria sa oras na magsimula na ang kanilang kampanya para sa Grand Slam title sa Philippine Governor’s Cup.

Kagagaling lang sa kampeonato ng 2019 Commissioner’s Cup nitong buwan, naghanap ang mga ito ng wingman sa katauhan ni Dezmond Wells para makatulong sa kampanya nila sa season-ending conference ng unang professional league ng bansa.

Isang natural off-guard/small forward at may taas na 6’5 si Wells na inilarawan ni 8th-time champion coach Austria na pisikal maglaro at ‘all-around’ player. “He’s a legitimate wingman, stocky siya at fit na fit sya sa brand ng laro natin dito, and much of a physical player and he’s a leaper, but a little bit of everything,” esplika ni Austria nang makapanayam ng BULGAR. “Hindi apektado ang number 3 and 4 positions, magkakaroon lang ng adjustments sa guard, but this player will be legitimate wingman number 3, si Marcio (Lassiter) natural number 2, then Terrence (Romeo), siguro mababawasan ng ilang minute iyong bawat player,” dagdag nito hinggil kay Wells na beterano ng NBA G-League at Italian League.

Masusubukan ang 27-anyos na produkto ng University of Maryland sa koponan ng Beermen sa Terrific 12 East Asia Super League (EASL) sa Macau, China simula Setyembre 17. Makakatulong ni Wells sa 14-men team na bitbit ng SMB ay ang isa pang reinforcement na si Lester Prosper, big man na may outside shooting kapalit ni June Mar Fajardo na maglalaro sa Gilas Pilipinas.

“Makikita natin in the first few games kung talagang siya ‘yung hinahanap natin sa team, kung magaling man o hindi ang import, depende kung anong team ang pinuntahan mo, kung anong chemistry ‘yung daratnan mo ru’n, kahit ‘yung magagaling na import ay tinatanggal agad dahil hindi fit sa chemistry nila,” sambit ng multi-titled coach.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page