Pulis binaril sa lamay, dedbol
- Gina Plenago
- Aug 24, 2019
- 1 min read

ISANG pulis ang pinagbabaril habang nakikipaglamay sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot si Pat. Ralph Aquino, 31, may asawa, nakatalaga sa Police Community Precinct 8 ng Taguig City Police at residente ng Bgy. Bagumbayan.
Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng gunman. Ayon sa ulat ng Southern Police District, naganap ang pamamaril sa isang lamay sa Paso St., Old Cemetery, Bgy. Bagumbayan, alas-10:00 ng gabi.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon nina C/M/S Jay Laguerta Jay, C/M/S Rodelio Abenojar at Cpl. Sherylle Rose Padon, bago ang insidente, sinundo ang biktima ng isang alyas Toto at dinala sa bahay ng isang ‘Irene’ para magpunta sa lamay.
Habang nakikipaglamay si Pat. Aquino nang sumulpot ang suspek at agad na binaril sa ulo ang biktima na sanhi ng pagkamatay nito.





Comments