Mga senador, todo-sawsaw sa isyung LGBTQ+, pero dedma sa pananakop ng China sa 'Pinas
- BULGAR

- Aug 24, 2019
- 2 min read
MAGNA CARTA FOR THE DAYCARE WORKERS NI SEN. REVILLA, DAPAT ISABATAS AGAD — Nagsulong si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. ng panukalang Magna Carta for the Daycare Workers para maging ganap na government workers ang mga day care workers sa buong bansa.
Aba, ayos ‘yan kasi sa ngayon, volunteers lang sila na ang mandato sa bawat barangay ay magturo ng edukasyon sa mga estudyante sa day care center.
Sana'y maisabatas agad ang panukala ni Sen. Revilla para magkaroon na ang mga daycare workers ng security of tenure, living wage at social benefits, cost of living allowance, hazard pay, overtime pay at trainings, period!
◘◘◘
SENADO, DEDMA SA PANANAKOP NG CHINA, PERO SA ISYU NG MIYEMBRO NG LGBTQ+ NA HINDI PINAPASOK SA CR NG MGA BABAE, SENATE PROBE AGAD—Nang pumasok ang China sa West Philippine Sea (WPS) at kamkamin ang ilang isla na nasa teritoryo ng Pilipinas, dedma lang ang mga senador.
Wala man lang sa kanila ang nagsulong na imbestigahan ang pananakop ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas. Pero sa isyu kung saan hindi pinapasok sa CR ng mga babae ang transwoman, agad-agad nagkaroon ng Senate probe.
Anyare sa Pilipinas?
◘◘◘
MGA “BUWAYA” SA BIR, NEXT TARGET NI P-DUTERTE—Napuno na ang salop ni P-Duterte sa mga katiwaliang nagaganap sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at dahil d’yan ay nangako sa publiko ang pangulo na ang ahensiyang ito (BIR) ang susunod niyang target na linisin.
Dahil sa sinabing ‘yan ni P-Duterte, malamang ay kakaba-kaba na ang mga “buwaya” sa BIR dahil maaaring sa mga susunod na araw ay ilalantad na ng pangulo ang pangalan ng mga “corrupt” dito, period!
◘◘◘
MGA JUETENG LORDS, MALAMANG NAGLULUNDAGAN NA NAMAN SA TUWA—Pinahintulutan na ni P-Duterte na muling makapag-operate ang Small Town Lottery (STL) sa buong bansa.
Dahil d’yan, asahan nang naglulundagan na sa tuwa ang mga jueteng lords, boom!





Comments