top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ibinuking na nanliligaw sa kanya si Gerald, todo-deny… JULIA, PINALABAS NA SINUNGALING SI DENNIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

MUKHANG hindi kinagat ng mga net­izens ang naging pahayag ni Julia Bar­retto hinggil sa pagkakadawit niya sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Kung matatandaan, kasabay ng cryptic message ni Bea na: “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH,” ay ini-like rin niya ang mga litrato ng ex-BF niya kasama ang leading lady nito sa pelikulang Between Maybes na si Julia Barretto, kaya ang tingin tuloy ng mga netizens ay ang young actress ang dahilan kung bakit naghi­walay ang dalawa.

Ngayon, matapang na si­nagot ni Julia Barretto ang isyung inahas niya si Gerald kay Bea. Itinanggi rin ng young actress na niligawan siya o nakarelasyon niya ang aktor, taliwas sa balitang diumano’y nag-usap sa telepono sina Gerald at Dennis Padilla at inamin ng aktor sa padir ni Julia na nililigawan na niya ang young actress.

Aniya, “Hindi ko siya na­ging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas at wala rin akong ni­landi.

“Hindi ako nililigawan. Naniniwala ako na may tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Julia na matalik niyang kaibigan si Gerald.

Itinanggi rin ni Julia na si Gerald ang dahilan ng hiwalayan nila ng dati niyang ka-love team na si Joshua Garcia. Wala raw naging third party sa kanila.

Aniya, “I think the decision that we made was a mutual decision because we knew ‘yun ‘yung makakabuti sa isa’t isa. At the end of the day, pinili namin ‘yung makakabuti sa isa’t isa.”

Dagdag pa niya, “So, ayaw na naming i-damage ‘yung isa’t isa. So, we protected each other because there is love.”

Sa ngayon, nasa proseso raw ng healing at pagmu-move on si Julia dahil sa mga nangyari.

I’m really in so much pain right now, but kailangang magpakatatag, eh,” aniya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page