top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hindi kailangang magtiis at masaktan... IBA‘T IBANG OILS PARA GUMALING ANG SUNBURN

  • Jersey Sanchez
  • Aug 24, 2019
  • 2 min read

KAHIT sino, eh, ayaw ng sunburn lalo na kung nasa bakasyon ka. Bagama’t, napakarami ng natural na pamamaraan para magamot ito, knows ba ninyo na ang essential oil ay puwede ring ipanggamot dito?

Ayon sa mga eksperto, intensive rehydration at calming agent ang kailangan ng balat para gumaling mula sa sunburn, gayundin, ang antioxidant para hanapin ang free radicals at makatulong sa pag-repair ng sunburn cells.

Mula sa pagpapagaling at pain-relieving properties, mayroon pang ibang benepisyo ang essential oil.

Sa paggamit nito bilang remedyo sa sunburn, mahalaga na gamitin ito nang tama. Sey ng experts, ang essential oil ay concentrated kaya kung gagamitin ito, dapat itong i-dilute sa tubig o carrier oil.

Dahil dito, inisa-isa ng mga eksperto ang mga uri ng essential oil na maaaring gamitin bilang remedy sa sunburn.

Ang roman chamomile ay kilala dahil sa calming effect na mayroon ito. Ginagamit ito sa aromatherapy, skin care products at make-up.

Para ipanggamot sa sunburn, maglagay ng ilang patak nito sa tubig na pambanlaw o i-diffuse ito sa hangin para kumalma ang isip.

Para matanggal ang sakit at heat mula sa minor sunburn, gumamit ng menthol essential oil. Dapat itong i-dilute sa kaunting carrier oil.

Ang green tea ay mayroong antioxidant at benefits. Pinoprotektahan nito ang balat mula sa ultraviolet (UV) exposure na nakapagpapagaling ng balat mula sa sunburn. Ang paglalagay ng green tea essential oil ay nakadaragdag ng antioxidants sa balat.

Dahil kilala ang lavender essential oil sa iba’t ibang health benefits, gamitin ito para mabawasan ang anxiety at sakit ng sunburn. Ihalo ito sa carrier oil at ilagay sa apektadong bahagi ng katawan.

Para sa inflamed skin, inirerekomenda ng mga eksperto ang marigold essential oil. Ang bulaklak na ito ay kilala dahil sa antioxidant properties nito. Ayon sa pag-aaral noong 2012, kaya rin nitong protektahan ang balat mula sa UV rays.

Hindi lang pala ito nakatutulong sa pagrerelaks, beshies! Kaya para maiwasan ang matrabahong pamamaraan ng paggagamot sa ating sunburn, make sure na susubukan ninyo ito. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page