top of page
Pokwang.jpg

Bukod sa makakatulong sa kalikasan... TIPID TIPS SA MGA ESTUDYANTE

Justine Daguno
Aug 24, 2019
2 min read

KARAMIHAN sa mga college student ay naka-focus lang sa tatlong bagay — sa klase, career at pakikipag-socialize. Pero, alam n’yo ba na marami pa tayong puwedeng gawin bilang estudyante? Isa na rito ang pagiging eco-friendly student, sa pagkakataong ito, hindi lang tayo basta makatutulong kay Mother Earth dahil malaki rin ang matitipid natin sa ating budget! Narito ang ilan sa mga bagay na dapat nating gawin:

1. GUMAMIT NG LED LIGHT BULBS. Karamihan sa atin, kapag nag-a-advance reading, nagre-review o nag-aaral, mas sanay tayo sa paggamit ng mga karaniwang ilaw tulad ng fluorescent, pero makabubuti kung mag-switch na tayo sa paggamit ng LED dahil mas mababa lang ang makokonsumo nitong kuryente o enerhiya.

2. SAY YES TO TUMBLER! Sa bawat araw na papasok tayo sa school, huwag nating kalilimutang magdala ng tumbler. Oks ito para hindi na tayo bili nang bili ng bottled water dahil magre-refill lang tayo. Nakatipid ka na, nakatulong ka pa sa kalikasan!

3. ALAMIN ANG MGA PROGRAMA NG SCHOOL TUNGKOL SA RECYCLING. Kung gusto mo pang lawakan ang pagiging eco-friendly mo, maraming organisasyon sa school na ito ang adbokasiya, kaya huwag kang mahiyang lumapit sa kanila. Maganda ito sa pag-aaral mo dahil marami kang matututunang kapaki-pakinabang na bagay at marami ka ring makikilalang kaibigan.

4. IWASAN ANG MADALAS NA PAGGAMIT NG PAPEL. Bilang estudyante, madalas talaga tayong gumamit ng papel para sa exam, quizzes at iba pa. Gayunman, para makatipid sa papel, hangga’t maaari ay i-recycle na lang natin ang mga ito. Gayundin, imbes na bumili ng bagong libro, used book na lang ang gamitin.

5. MAGLAKAD, MAG-BIKE O MAG-COMMUTE SA PAGPASOK. Malaki ang maitutulong nito sa environment dahil hindi tayo makadaragdag sa polusyon, kung malapit lang ang school ay maglakad o mag-bike na lang. Kapag may sarili namang sasakyan, oks kung isabay na lang ang kaibigan.

Malaki ang utang na loob natin sa kalikasan dahil dito ay mayroon tayong nalalanghap na sariwang hangin na isa sa mga pangunahing aspeto para mabuhay tayo kaya sana, pangalagaan natin ito tulad ng pangangalaga natin sa ating sarili.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page