top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Yasay, inaresto

Mylene Alfonso
Aug 23, 2019
1 min read

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District-Warrant Service Section at CIDU si dating Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay, Jr.

Sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Danilo Leyva, Presiding Judge of Manila Regional Trial Court Branch 10, inaresto si Yasay alas-3:00 ng hapon sa kanyang bahay sa Makati City.

Inakusahan si Yasay ng paglabag sa Republic Acts 8791 at 7653 o General Banking Law at New Central Bank Act, dahil sa pagkakasangkot umano niya sa maanomalyang loan mula sa Banco Filipino Savings and Mortgages Bank.

Nabatid na ang krimen ay ginawa umano sa pagitan ng 2003-2006.

Gayunman, nilinaw ni Yasay na siya ay pumasok sa bangko noong 2009.

“I am not posting bail until I am brought before the judge where I will question this abuse of process and travesty of justice,” ayon kay Yasay sa kanyang post sa Facebook.

Matatandaang, nagsilbing kalihim si Yasay ng DFA mula 2016 hanggang 2017.

Bago ang pag-aresto kay Yasay, pumunta sa MPD, alas-11:00 ng umaga si Atty. Jonn Irvin Velasques, kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas at humingi ng police assistance para sa implementasyon ng warrant of arrest.

Ayon sa records, noong 2001 hanggang 2009 si Yasay at lima pang associates ay mga opisyal ng Banco Filipino Savings and Mortgages Bank ay nagsabwatan para makakuha sa Banco Filipino ng loan na aabot sa P350 milyon para sa Tierrasud Incorporated na may bahaging ginarantiyahan ng isang real properties na pag-aari ng Tropical Land Corporation.

Nang payagan ang loan, lahat ng akusado ay nabigo na i-report ang loan para sa superbisyon ng BSP.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page