Tserman niratrat, todas
- Jeff Tumbado
- Aug 23, 2019
- 1 min read

PATAY ang barangay chairman habang sugatan ang dalawang iba pa matapos tambangan sa Sto. Tomas, Isabela.
Kinilala ang biktima na si Manuel Ramento, 40, kapitan ng Bgy. Balleleng na nagtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan.
Nagpapagamot na sa ospital ang dalawang kasamahan ni Ramento na sina Kagawad May Glenn Baquiran Padre at Althea Nicole Rumbaoa Gumtang. Ayon kay Police Capt. Frances Littaua, nangyari ang pamamaril alas-11:30 ng gabi sa nabanggit na barangay habang sakay ang mga biktima sa SUV at patungo sa Bgy. Bubig para dumalo sa isang barangay affair.
Nakaligtas naman ang dalawa pang sakay ng SUV na si Noimi Rumbaoa Gumtang at ang anim na taong gulang na bata na anak ni Ramento.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.





Comments