top of page

Para sure na iwas-sakit pa rin... MGA HEALTHY NA GAWAIN PARA SA MGA TAMAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2019
  • 2 min read

MARAMI sa atin ang masyadong na-spoiled sa bahay, kaya tuloy kahit malaki na, eh, walang kusa sa paggawa ng mga household chore, kaloka, ‘di ba? Pero, wait there’s more dahil narito ang ilang healthy tips para sa mga beshy nating tamad, pero nagwo-worry din sa kanilang sarili:

1. MANOOD NG TV AT MAG-EXERCISE. Sino ba ang hindi nare-relax kapag nakahilata sa sofa at nanonood ng TV? Nakare-relax talaga ito, pero kung gusto ninyong maging healthy, make sure na ang panonoorin ninyo, eh, may kinalaman sa pag-eehersisyo.

2. GUMAWA NG READY MEALS. Sa paggawa ng ‘ready meals’, hindi mo na kailangang mag-isip araw-araw kung ano ang kakainin mo. Pero, dapat ang ihahanda mo, eh, ‘yung healthy at hindi madaling masira, beshy!

3. ENJOY-IN ANG PAGKAIN. Good thing ang pagiging tamad sa iyo kung gusto mong maging healthy dahil ang kabagalan mo sa pagnguya o pagkain ay may magandang maidudulot sa iyong kalusugan, beshy! Gayundin, nakare-reduce ito ng overeating, kaya ituloy mo lang ‘yan! Okie?

4. MAG-ALAGA NG HAYOP. Sa pag-aalaga ng hayop, partikular ng aso, kahit sabihin nating makalat sila minsan, eh, napakadali rin nilang asahan sa mga gawain. Dagdag pa rito, nakai-improve ito ng mental health ayon sa mga eksperto.

5. UMINOM NG SUPPLEMENT. Kung daig pa ninyo si “Juan Tamad” sa sobrang katamaran, make sure na iinom kayo ng supplement na makapagpapalakas sa inyong katawan nang sa gayun kahit hindi kayo mag-exercise o kumain, eh, hindi kayo manghihina at mangangayayat.

6. MATULOG. Kung tamad ka, for sure, tulog is life ka! Ang pagtulog ay importante at nakadaragdag ng enerhiya, kaya imbes na humina ang iyong resistensiya, mabu-boost ito dahil nakaiwas ka sa pagpupuyat at pagkakaroon ng grabeng eyebags. Copy?

Akalain mo ‘yun, tamad ka na, pero magiging healthy ka pa rin. He-he-he! Oh, ayan, mga beshy, likas naman talaga sa tao ang maging tamad, pero dapat lang na hindi natin pinababayaan ang ating kalusugan at pangangatawan.

Okidoki?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page