top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Motor vs. trike | BEYBI TUMILAPON, PATAY

  • Jeff Tumbado
  • Aug 23, 2019
  • 1 min read

DEDO ang sampung buwang sanggol habang sugatan naman ang kanyang ina matapos banggain ng motorsiklo ang sinasakyan nilang tricycle sa Davao City.

Dead-on-the-spot ang sanggol matapos tumilapon ng ilang metro mula sa pagkakatumba ng tricycle ilang sandaling matumbok ito ng motorsiklo na minamaneho ni Christian Tawaay. Nasa ligtas nang kondisyon ang 29-anyos na ina.

Ayon kay Police Capt. Jonathan Calubag, pasado alas-7:00 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng national road sa Bgy. Mintal, Tugbok District.

Habang nasa parehong linya ang dalawang sasakyan nang biglang magkasabay na nag-overtake ang mga ito. Sa bilis ng takbo ng motorsiklo ay nabangga nito ang likurang bahagi ng traysikel.

Tumilapon umano ang sanggol na nakaupo sa harapan kasama ng kanyang ina. Natumba sa kanal ang tricycle at hindi namalayan ng ina na nabitawan na pala nito ang anak.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver na si Tawaay at inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page