top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Mga ismagler, nasa loob mismo ng BOC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2019
  • 1 min read

SANGKATERBANG kawani ng Bureau of Customs ang sinisibak.

‘Yan ay dahil sa korupsiyon!

◘◘◘

MAY balita tayong ipatutupad sa Adwana ang tinatawag na “no contact policy” sa mga kargamento.

Ang lahat ng confirmation tungkol sa consignee ay ino-notify gamit ang email address!

◘◘◘

IPINATUTUPAD ang “no personal appearance” upang maiwasan ang “consignee for hire or consignee for sale”.

Kung ipatutupad ito, hindi na kailangan ang mga empleyado sa Adwana.

Marami ang mawawalan ng trabaho!

◘◘◘

MAY ulat na may kargamentong naisubasta, pero isinauli ang mga ito ng nakabili.

Natakot sa isyu ng metal pallets na naglalaman ng iligal na droga, nadamay ang napagbentahan!

◘◘◘

HANGGANG ngayon, hindi pa rin natutukoy sina Alyas Doray at Alyas Kimberly.

Talagang malakas sila sa Palasyo!

◘◘◘

SA kabila ng pagbabantay sa Bureau of Customs ng mga militar at pulis, patuloy pa rin ang kontrabando at pagpupuslit.

Ibig sabihin, ang mga ismagler ay mismong nasa loob o organic part ng BoC.

Front lang nila ang mga consignees na inirerehistro lang, pero hindi ito totoong negosyo!

◘◘◘

ANG mga produktong nasa malalaking bodega sa Binondo ay karaniwang mga ‘puslit’.

Maging ang mga itinitinda sa mga bagong mall sa Divisoria ay karaniwang mga ismagel.

Pero, malaya itong naibebenta sa bangketa at mga stalls!

◘◘◘

ANG mga nagtitinda sa mga modernong malls sa Divisoria ay mga Chinese.

Karaniwan dito ay hindi marunong mag-Tagalog.

Pero, pinasusuweldo nila ang mga Pinoy para sila ang umaktong katulong at translator!

◘◘◘

MATAGAL nang nakapasok ang mga Chinese sa Maynila.

Ito ay mula pa noong panahon ni Gat Jose Rizal hanggang ngayong panahon ni P-Digong!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page