top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung feeling mo, sasabog ka na sa pagkainis… MGA TIPS NA PANTANGGAL- PAGOD AT BAD MOOD

  • Rona
  • Aug 23, 2019
  • 2 min read

IBANG-iba na ang kaugalian ng mga tao ngayon kung saan sobrang abala na ang lahat sa pagtatrabaho. Ang normal na araw sa trabaho, kahit nasa opisina pa ay lubos na nakade-drain.

Sa pagitan ng mahigpit na deadlines, work stress at iba pang obligasyon na hindi na natapus-tapos, nagiging sobrang mahirap na ang pag-uwi nang hindi didiretso sa higaan para makaramdam man lang ng kahit kaunting pahinga.

Pero, sobrang nakakainis kapag ‘yung pagod mo sa trabaho ay sinabayan pa ng bad day, ‘di ba? ‘Yung tipong battery empty ka na, tapos hindi ka makapag-unwind man lang, saklap!

Kapag feeling mong stuck ka sa cycle ng nakakapagod, unmotivated at hectic na istorya ng buhay, sadyang mahirap humanap ng mabuting solusyon para magkaroon ng kahit kaunting peace of mind para maging good mood. Pero, may mga expert na nagbahagi ng iba’t ibang tips para maka-get over tayo sa ganitong sitwasyon sa madaling paraan!

1. GUMAWA NG TALAARAWAN. Ang pag-channel ng emosyon sa pamamagitan ng papel at panulat ay mabisang paraan para makapag-reset pagkatapos ng nakapapagod na araw, instantly. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Advances in Psychiatric Treatment noong 2005, ang pagsusulat ng nararamdaman ay nakai-improve ng mental at pisikal na aspeto ng buhay.

Sey din ng addiction therapist, life at recovery coach at wellness guru na si Dr. Cali Estes, sa pamamagitan ng pagsusulat, nae-exercise ang utak natin para makapag-release ng creative sides habang nailalabas ng isip natin ang mga emosyon at negative thought. Sa ganitong paraan, bigla na lang magiging positibo ang ating mood.

2. MAG-EHERSISYO. Sabi ni Dr. Estes, ang pag-eehersisyo ay nakatutulong para makalayo tayo sa kabalisahan, pagkainis at galit. Hindi lang ‘yan, mga lodi, dahil ang pag-eehersisyo rin daw ay nakari-release ng serotonin at dopamine na nakapagpapataas ng happy chemicals sa ating katawan.

3. CITRUS. Sey ni Dr. Estes, kung desperado ka nang makapag-unwind, makatutulong ang pag-amoy ng citrus. Ang aroma o amoy nito ay nakapagpo-produce ng wow magic result! Ang paglalagay ng orange essential oil sa bawat pulse points tulad ng wrists ay mabilis na nakatatanggal ng stress. Napag-alaman din sa isinagawang pag-aaral ng Nutrients noong 2014 na ang lemon balm ay nakapag-i-improve ng mood.

4. TUMINGIN SA MGA PUNO O HALAMAN. Ayon sa pananaliksik ng Behavioral Sciences, noong 2018, napag-alamang ang nature ay mayroong kakaibang powers na nakatatanggal ng anxiety. Kaya kung bad day ka, makatutulong ang paglalakad sa damuhan o sa lugar na maraming puno. Sey din ng International Journal of Environmental Research and Public Health, ang simpleng pagtingin sa mga puno at damuhan ay nakatutulong sa pag-e-enhance ng mood at pagtanggal ng stress. Ito ang pinaka-effortless na paraan sa pagtanggal ng stress, lalo na kung mayroon kayong puno o mga halaman.

5. MAG-SHOWER. Sey ng health expert ng TinyBuddha na si Sirena Bernal, ang warm water ay mayroong relaxing powers at nakatatanggal ng negative energy kaya ang pagsa-shower ay lubos na makatutulong para maalis ang bad vibes na dulot ng pagod sa maghapon.

Now we know, mga ‘tol! Maiiwasan na natin ang bad vibes sa buhay!

Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page