top of page

Bakit holiday ang Aug. 21? Ninoy, hindi bayani, traydor sa bayan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2019
  • 2 min read

KAMAKALAWA ay non-working holiday dahil “Ninoy Aquino Day” daw. Bagaman, isang batas ang basehan ng holiday na ito, hindi sinabing bayani si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.

Basahin ninyo ang Republic Act 9256 na ipinasa noong Pebrero 2004. Sa maikling teksto ng batas na ito, kahit minsan, hindi binanggit na “bayani” siya. Anim na saknong lang ang batas at ang tanging sinabi, ang Agosto 21 ay araw ng pagkamatay ng dating senador.

Sa totoo lang, marami ang nakalimot kung para saan ang holiday ng Agosto 21. Talagang unti-unti nang nawawala sa pag-iisip ng mga Pilipino kung sino ang dating senador at kung bakit siya may holiday.

Pati mga dilawang lider ay nagtago na rin sa araw na ito. Ayaw nilang maiugnay ang kanilang sarili sa Pamilya Aquino, lalo na kung may balak silang tumakbo sa posisyon.

Kung titingnan natin ang resulta noong nakaraang eleksiyon, karamihan sa dilawang kumandidato ay natalo.

Inayawan sila ng mga botante at karamihan sa mga nanalo ay ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaya wala ka nang nakikitang pulitiko ngayon na nagsusuot ng dilaw na t-shirt o laso. Pati ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) na partido ng dating senador ay inayawan ang kulay dilaw, puti na lang ang kanilang suot.

Ang tanging nag-iingay na lang tungkol sa kanya ay ang anak na si Kris Aquino. Ngunit, wala na ring pumapansin kay Kris, lalo na noong sinipa ito ng ABS-CBN at nalaos ang kanyang karera sa showbiz.

Salamat sa social media, marami na ang naliliwanagan tungkol sa katotohanan ng EDSA at ang naging papel ng Pamilya Aquino-Cojuangco at Estados Unidos, sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Marcos noong 1986.

Marami na tayong naisulat tungkol sa mga panlilinlang na ginawa ng dilawan sa taumbayan. Ang unang ginawa nila ay palabasing “bayani” ang haligi ng kanilang tahanan.

Kung susuriin ninyong mabuti ang buhay ni Ninoy, maaari mo pang masabi na “traydor” ito sa bayan sa halip na bayani.

Unang-una, si Ninoy ang “ninong” ng alyansa sa pagitan ng Communist Party of the Philippines ni Joma Sison at mga tropa ni Bernabe Buscayno alyas Kumander Dante ng New People’s Army.

Si Kumander Dante mismo ang nagkumpirma na si Ninoy ang nagpakilala sa kanya kay Joma.

Sa Hacienda Luisita pa sila nagmi-meeting para pag-usapan ang pagsanib ng kanilang puwersa para maging CPP-NPA.

Binigyan umano ng pondo at proteksiyon ni Ninoy ang CPP-NPA para labanan ang gobyerno ng kanyang karibal sa politika na si ex-P-Marcos. Sa napakalawak na Hacienda Luisita, nagtago ang mga rebelde kaya hindi sila mahuli-huli ng militar.

Nagpakalat din umano si Ninoy ng “fake news” kung saan sinabi nito sa media na may “Jabidah massacre” kung saan marami raw napatay na kababayan nating Muslim na recruit ng militar.

Pekeng balita, wala namang namatay. Buhay ang mga Muslim na na-recruit at nakita pa ng mga pulitiko, pero hanggang ngayon ay may naniniwala pa rin na may napatay daw sa Corregidor na mga Muslim.

Si Ninoy din ang nagkalat na may balak ang gobyernong Marcos na makuha ang Sabah na legal na pag-aari ng Pilipinas.

Malinaw ang mga dokumento na nagsasabing ang mga datu ng Mindanao ang tunay na may-ari ng Sabah at hindi ang Malaysia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page