top of page

Alamin: tamang paggamot sa pigsa!

  • Dr. Shane Ludovice, M.D.
  • Aug 23, 2019
  • 2 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Palagi akong tinutubuan ng pigsa sa katawan, pero ang pinakamasakit kapag sa puwitan ito tumutubo. Hindi ko naman ito matiris dahil hindi ko makita. Ano ang mabisang panggamot dito? — Omeng

Sagot

Karamihan ng mga pigsa ay maaaring gumaling at mawala sa pamamagitan lamang ng ilang home remedy, pero may mga kaso rin na kinakailangan ng pag-inom ng gamot at konsultasyon sa doktor.

Makatutulong ang mga sumusunod:

Gumamit ng “warm compress” o mainit na tubig na nakabalot sa tela at ipatong ito sa bahagi ng katawan na may pigsa. Makatutulong ito sa pag-impis ng kirot at sa pagpapalabas ng nana. Gawin ito araw-araw hanggang sa mawala ang pigsa. Iwasang putukin ang pigsa gamit ang karayom o tirisin. Ito ay maaari lamang magpalala ng pigsa, bagkus, hayaan itong pumutok nang kusa. Kapag pumutok na ang pigsa, hugasan ito ng sabon at maligamgam na tubig hanggang sa mawala na ang lahat ng nana. Maaari rin mag-apply ng antibacterial ointment tulad ng teramycin tapos tapalan ng bandage o band-aid ang sugat. Ulitin ito ng dalawang beses bawat araw hanggang sa mawala ang pigsa.

Pero, kung ang pigsa ay malala, maaaring magreseta ang doktor ng antibiotiko para rito. Sa ilang mga kaso, lalo na kung may kumplikasyon tulad ng diabetes, maaaring doktor ang maglinis dito gamit ang mga surgical instrument. Magpaturo sa kanila kung may karagdagang dapat gawin sa pigsa.

Gaano katagal gumaling ang pigsa?

Kung naumpisahan ang wastong paggagamot, sa loob ng 2 hanggang 3 araw ay magsisimula nang makaranas ng pagbabago at paggaling sa pigsa. Kung mas lalong lumalala o hindi gumagaling ang pigsa, magpatingin agad sa doktor upang ma-examine ito.

댓글


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page