top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

TEAM BAGSIK, NAKA-3 GINTO SA EAST ASIAN C’SHIPS SA HK

Gerard Arce
Aug 22, 2019
1 min read

SINGBAGSIK ng hagupit ng bagyo ang Team Bagsik nang kumana ito ng 3 ginto, 5 pilak at 2 tansong medalya at kinuha ang second place finish sa nakalipas na 2019 East Asian Muay Thai Championships noong Agosto 15-18 sa Queen Elizabeth Stadium sa Hong Kong.

Ibinulsa nina Colleen Saddi (women’s 48kgs), Ariel Lee Lampacan (men’s 54kgs) at Jenelyn Olsim (women’s 54kgs) ang mga gintong medalya para sa Philippine National Muay Thai Team, sapat para sa 2nd place sa likod ng host Hong Kong team na kumubra ng sandamakmak na medalya para sa overall title.

Isang magandang pagkakataon ito para sa national team na naghahanda para sa nalalapit na 30th edition ng Southeast Asian Games simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa bansa. Lahat ng 10 manlalarong ipinadala ng bansa sa naturang event ay nag-uwi ng medalya, ilan pa sa mga medalists ay sina Islay Erika Bomogao (women’s 45 kg), Phillip Delarmino (men’s 57 kg), Hanzel Bilog (men’s 60 kg), Ryan Jakiri (men’s 63.5 kg) at Jerry Olsim (men’s 71 kg) na nag-uwi ng silver, habang sina Liane Benito (women’s 51 kg) at Sid Anthony Capuchino (men’s 51 kg) ang nagbulsa ng bronze medals. Babawi umano ang national team sa biennial meet na sisimulan sa Disyembre 3-8 sa Subic Bay Exhibition & Convention Center sa Subic, Zambales, matapos ang isang tansong medalya sa 2017 Kuala Lumpur meet mula kay Ryan Jakiri sa men’s 63 kgs.

Nauna nang ipinahayag ni Muay Thai Association of the Philippines (MAP) secretary-general Pearl Managuelod na asam nila ang 4 na gintong medalya sa SEAG, kung saan kabilang sa mga malalakas na kalaban ng Pilipinas ang Thailand, Cambodia, Vietnam at Malaysia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page