P-Digong, buking na idol si Ninoy
- BULGAR

- Aug 22, 2019
- 2 min read
IDOL PALA NI P-DUTERTE SI NINOY?—Kahapon sa anibersaryo ng pagkamatay ni ex-Sen. Benigno “Ninoy” Aquino o Ninoy Aquino Day, kinilala ni P-Duterte ang naging sakripisyo nito para maibalik ang demokrasya sa bansa at nanawagan din siya sa publiko na gawing inspirasyon si Ninoy na nagsilbi raw na may dignidad at dangal sa taumbayan.
Sa tema ng pahayag ni P-Duterte, lumalabas na idol pala niya si Ninoy, period!
◘◘◘
CHINA, BAKA MAMURA NA NI P-DUTERTE — Napundi na si P-Duterte sa madalas na pagdaan ng mga Chinese warships sa karagatang sakop ng Pilipinas nang hindi nagpapaalam sa kanyang gobyerno at dahil d’yan ay binalaan ng pangulo ang China na tigilan na nito ang pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas nang walang permiso ng Philippine government.
Aba, tila nalalapit na ring makatikim ang China ng mga malulutong na mura mula kay P-Duterte, abangan!
◘◘◘
SEN. LACSON, PINAGDUDUDAHAN ANG SINABI NI SPEAKER CAYETANO NA WALANG “PORK” ANG BADYET — Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, wala nang pork barrel ang babalangkasin nilang P4.1 trillion 2020 National Budget, pero may pagdududa si Sen. Panfilo “Ping” Lacson dito, lalo na at pumutok sa Kongreso na may tig-P100 milyon na pang-project ang bawat kongresista, P70 milyon dito ay pang-”hard projects” (proyektong pang-imprastruktura) at P30 milyon naman ay pang-”soft projects” (scholarships at tulong-medikal).
Kaya sakaling may matuklasang “pork” si Sen. Lacson, tiyak na sa mukha ni Speaker Cayetano magbu-boomerang ang sinabi niyang walang pork barrel ang 2020 National Budget, boom!
◘◘◘
MISMONG CUSTOMS HEAD NA ANG NAGSABI, TULOY DAW ANG “TARA SYSTEM”’ SA ADWANA—Inamin ni Commissioner Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero na tuloy pa rin daw ang “tara” system sa Bureau of Customs.
Parang sinabi na rin ni Guerrero na naglipana pa rin ang mga “buwaya” sa mga tanggapan ng Port of Manila (POM), Manila International Container Port (MICP), Customs-NAIA at Customs-Import Assessment Service (IAS), mga buwisit!





Comments