top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

NILEKSIYUNAN NG ARMY ANG FLYING TITANS SA PVL

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 22, 2019
1 min read

BUMALIKWAS mula sa dalawang sets na pagkakaiwan ang Pacific Town-Army at winalis ang huling tatlong frames upang mapayukod ang baguhang Choco Mucho, 39-41, 19-25, 25-19, 25-20, 15-12, kahapon sa 2019 PVL Open Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Pinangunahan ni Jovelyn Gonzaga ang nasabing panalo ng Lady Troopers sa itinalang 24 puntos, 23 dito ay galing sa attacks.

Nakagawa ng 20 sa 4th frames, binitbit ni Gonzaga ang scoring, pumukol ng ilang sunod na banat at binigyan ang Pacific Town-Army ng 22-20.

Nakalamang sa iskor na 10-6 sa decider, nahabol pa ang Lady Troopers ng Flying Titans matapos ang itinala nilang 5-1 run sa pamumuno ni Cindy Imbo at naitabla ang iskor sa 11-all.

Dito nagsanib-puwersa sina Gonzaga at Nene Bautista upang selyuhan ang kanilang panalo sa pinakamatagal na laro ng season na umabot ang first set sa iskor na 41-39.

Kasunod ni Gonzaga, umiskor ng 23 puntos si Royce Tubino at 13 puntos si Bautista para sa Pacific Town-Army.

Nanguna sa Choco Mucho si Kat Tolentino na may 23 puntos kasunod si Maddie Madayag na may 15 puntos. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page