Negosyante niratrat, patay | 3 PASLIT SAPOL SA LIGAW NA BALA
Levi Gonzales
Aug 22, 2019
1 min read

DEDO ang isang misis matapos pagbabarilin sa Bgy. Canlubang, Calamba City, Laguna.
Kinilala ang nasawi na si Analyn Odasco, 47, negosyante, habang sapol naman sa ligaw na bala sina Jhared, 9; Ric Luis, 9, at Cecili, 9.
Batay sa imbestigasyon, sakay ng kotse ang suspek na si Ruben Lapitan nang pagbabarilin nito ang negosyante kung saan tinamaan ng ligaw na bala ang tatlong menor-de-edad.
Patuloy ang pagtugis sa suspek at inaalam din ang motibo sa krimen.





Comments