Dating websites para makahanap ng asawa kapalit ng pera, bawal!

Dear Chief Acosta, Magandang araw! Nais kong malaman kung sakop ba ng batas laban sa “mail-order bride” ang mga “dating websites”? — Marie
Dear Marie, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Republic Act No. 10906 o mas kilala sa tawag na “Anti-Mail Order Spouse Act” kung saan idineklarang labag sa batas ang mga sumusunod:
“Section 3. Prohibited Acts. – It shall be unlawful for any person, whether natural, or juridical, to commit, directly or indirectly, any of the following acts:
(a) Engage in any business or scheme for money, profit, material, economic or other consideration which has for its purpose the matching or offering of a Filipino to a foreigner national for marriage or common law partnership on a mail-order basis or through personal introduction, email or websites on the internet;
◘◘◘
The above notwithstanding, legitimate dating websites, which have for their purpose of connecting individuals with shared interests in order to cultivate personal and dating relationships, are not covered by this Act.” (Binigyang-diin)
Samakatwid, sakop ng nasabing batas ang mga dating websites na naglalayong pagtugmain ang mga Pinoy sa mga dayuhan para sa kasal kapalit ang pera.
Gayunman, hindi sakop ng nasabing batas ang mga lehitimong dating websites na naglalayon na iugnay lamang ang mga tao upang sila ay makapag-date at magkaroon ng relasyon, kalaunan.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments