top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Dagdag-buwis sa alak, solusyon para mabawasan ang mga tomador

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 22, 2019
2 min read

PASADO na sa ikatlong pagbasa ang panuka­lang-batas sa pagtataas sa presyo ng alak.

Ngek, hindi na tayo malalasing niyan!

◘◘◘

KAYOD-KALA­BAW kasi ang Kamara ng mga representante upang hindi matulad sa nakaraang Kongreso na itinengga ang budget approval.

Dahil du’n, bu­mag­sak ang ekono­miya!

◘◘◘

WALA pang isang buwang nakakaupo si House Speaker Alan Peter Cayetano, pero inaapura na agad ang pagpapatibay sa 2020 National Budget.

May quorum kahit naipit sa dalawang holidays ang araw ng Martes!

◘◘◘

TARGET maapruba­han ang 2020 National Budget ngayong Oktu­bre kaya pinalawig ang oras ng sesyon.

Kaliwa’t kanan ang committee hearing at nakatulong ang pagdami ng deputy speakers.

Ganado at sumi­pag ang mga binigyan ng posisyon!

◘◘◘

MAY nakatutok nang todo sa edukasyon, climate change at iba pa.

Kayod-kalabaw ang mga kongresista upang hindi maulit ang pangho-hostage sa National Budget.

Isang bilyong piso kada araw ang nalugi sa gobyerno nang itengga ang badyet noong nakaraang taon!

◘◘◘

MAGMUMULA ang pondo ng Universal Health Care sa buwis na manggagaling sa pro­duktong may alcohol.

Tinatayang maba­bawasan din ng 10 porsiyento ang mga lasenggo!

◘◘◘

HAWAK na ng Kamara ang 2020 National Budget na ini­handa ng executive department at inaapura na ito sa pagbusisi.

Ayon kay Speaker Cayetano, magiging “Congress of the People” ang Kamara dahil ang kanilang motto ay “work, work, work”!

◘◘◘

TEKA, may nagtata­nong kung bakit daw itinalagang consultant ng kongresista ang nagretiro nang dating director ng Committee on Appropriations na si Cecilia de Sahagun?

May impormasyon na siya pa rin ang ku­mokontrol sa pagha­handa ng bad­yet!

◘◘◘

KATUWANG ni Sahagun ang kanyang pamangkin na si Romina Gadon na itinoka na humawak ng sinasabing “DPWH” budget at PDAF ng mga kongresista.

Ayon sa source, dati-rati ay dalawang tao ang may hawak ng naturang badyet, pero ngayon ay isa na lang!

◘◘◘

Sinasabing mas madalas mag-report ang magtiyahin sa opisina ni Congressman Isidro Ungab imbes na sa tanggapan ng Committee on Appropriations.

Dahil d’yan, hindi gaanong nabubusisi ang inihahandang budget ng iba pang kawani na nakatoka sa iba pang ahensiya tulad sa pondo ng edukasyon, health, social welfare at iba pa!

◘◘◘

MISTULANG nawalan ng trabaho ang mga kawani ng Committee on Appropriations dahil inililihim ang paghahanda ng badyet.

Totoo kaya na ang retiradong director pa rin ang may “sey” sa Committee on Appropriations?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page