Akala lagnat lang | CHILD ACTRESS PATAY SA DENGUE

PUMANAW na ang 6-anyos na aktres na si Niña Sophia Gabrielle ‘Sophie’ Corullo dahil sa dengue fever.
Batay sa medical certificate, severe dengue ang tumama kay Sophie. Hindi naman matanggap ng pamilya ni Corullo ang sinapit nito.
“Kung alam ko lang ‘yung lagnat niyang ‘yun, sana dinala ko siya agad,” pahayag ng ina ni Sophie na si Angelie.
“Lahat ginagawa niya para sa mga kapatid. Nu’ng last taping niya, sabi niya, Mommy iyung kinita ko bigay mo kay ate pambayad niya sa iskul,” madamdaming kuwento ng ginang.
Tinamaan din ng dengue ang dalawa pang kapatid nito pero ang kanyang kuya ay sinasabing kritikal ngayon at patuloy na lumalaban.
Sa ipinalabas na pahayag ng JAMS Artist Production, ang nagsisilbing handler ni Sophie, umapela ito ng donasyon para sa dalawang kapatid pa ni Sophie na nasa ospital matapos tamaan ng dengue virus.
Nakilala si Baby Sophie sa It’s Showtime segment na “Mini Me”, at huling napanood sa kanyang naging pagganap sa “Maalaala Mo Kaya”.





Comments