top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tserman niratrat ng riding-in-tandem

Jeff Tumbado
Aug 21, 2019
1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng dalawang hindi pa tukoy na lalaki ang barangay chairman sa mismong tapat ng kanyang bahay sa Laoang, Northern Samar.

Kinilala ang biktima na si Carmelito Baluyot, 51, kapitan ng Bgy. Rombang.

Batay sa report ng pulisya, alas-6:00 ng gabi ng Lunes nang pagbabarilin ng mga suspek ang biktima na umano’y tumigil sa tapat ng tindahan nito at nagkunwaring bibili ng gasolina.

Nang makumpirmang si Baluyot ang kausap ng mga suspek ay dito na ito pinagbabaril sa ulo at dibdib bago nagsitakas sakay ng motorsiklo.

Hindi pa matukoy sa imbestigasyon kung ano ang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page