SILAB AT SHADOW OF THE SUN

HAHATAW ngayong gabi ang 9 na karera kasabay ng Additional One Win In Group Races sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), Malvar, Batangas.
Napapalooban ito ng dalawang Winner Take All (WTA) at Pick 5 at tig-isang Pick 6 at Pick 4. Sa Race 1, ipinapatok ang couple entry na Susie Cat at Mutyanang Kalyos habang may tsamba ang Sweetness, Prince Jolo at Exelero na simula ng 1St WTA.
Sa Race 2, mag-uumpisa ang Pick 5 na paglalabanan ng mga kalahok na Ginuhit ng Tadhana, Liliput, Munich at Oh Neng. Binibigyan ng panalo ang Barrio San Jose kontra sa Ravel, Batang Novaliches at Bullish Desire sa Race 3. Sa Race 4, kung saan magsisimula ang Pick 6, pinapaboran ang Silab, Brandy Drinker at Gentleman Jim.
Sa Race 5 na simula ng Pick 5, ipinapatok ang Shadow of the Sun habang ang Goldbar at Shining Courage ay maglalaban sa forecast.
Sa Pick 4, pinapaboran ang Musical Note at Boundary habang binibigyan ang AllByMyself ng magandang pandehado sa Race 6.
Sa race 7, makakalaban nang mahigpit ng couple entry na Believe Me at Heavenly Fields ang Laughing Tiger habang sa Race 8, ipinapatok ang Winning Move. Mahigpit na magkakalaban ang couple entry na SkyMarshal at Wakanda, Tubig at Langis, Morning Girl at Manang Biday sa Race 9.
Tip ni Mang Ding: Race 1-Entry No.5 Sweetness (9) Prince Jolo (8); Race 2-Ginuhit ng Tadhana (2) Liliput (1) Munich (4) Race 3 Barrio San Jose (8) Ravel (4) Race 4-Silab (1) Brandy Drinker (6) Race 5-Shadow of the Sun (1) Goldbar (1) Race 6-AllByMySelf (5) Boundary (6) Musical Note (1) Race 7-Laughing Tiger (8) Entry No.9 Race 8-Winning Move (6) Wild Talk (5).





Comments